Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa kooperasyon ng USC Cebuano Studies Center Sentro ng Wika at Kultura (CSC-SWK), ay magsasagawa ng isang tertulyang pangwika na pinamagatang “Sebwano: Wikang Mapagpalaya” para sa selebrasyon ng Buwan ng Pambansang Wika 2024. Layunin ng tertulyang ito na talakayin ang iba’t ibang konsepto ng kalayaan, kabilang na ang mga magkakaibang konteksto kung saan ito ay matatagpuan at paano ito nauugnay sa katutubong Wika, sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga piling tula na isinulat sa Wikang Sebwano at Filipino.
Tatlong dalubhasang tagapanayam ang inimbitahan upang magbahagi ng kanilang kaalaman, kabilang dito sina Dr. Lita Bacalla (Cebu Normal University), Dr. Desiree Balota (Rogationist Seminary College), at G. Jose Antonio Dasig Jr. (University of San Carlos). Ang mga nasabing tula naman ay itatanghal ng mga estudyante ng BA Literary and Cultural Studies with Creative Writing ng University of San Carlos, partikular sina Samuel Mendez, Bhon Glory Jayn Cabilete, Mary Louise Raboy, Joel Econas, at Jessiel Donaire.
Itatampok rin sa programa ang paglulunsad ng isang dokumentaryo na pinamagatang Writing Cebuano: Lamberto Ceballos and His Works na sumesentro kay G. Lamberto Ceballos, isang makatang manunulat ng Wikang Sebwano. Ang nasabing dokumentaryo ay pinamunuan ni G. Trizer Dale Mansueto sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ang tertulya ay gaganapin ngayong ika-31 ng Agosto, 2024, mula 1:00-4:00 PM sa pamamagitan ng Zoom. Mangyaring magparehistro sa pamamagitan ng sumusunod na link:
https://forms.gle/MXn3PHAmBc3RPTjG6
Tags: Buwan ng Wika, Cebuano Studies Center, documentary, featured, Komisyon sa Wikang Filipino, KWF, lamberto ceballos, launch, National Commission for Culture and the Arts, NCCA, Sentro ng Wika at Kultura, SWK, Wikang Mapagpalaya
Category: Events