Buwan ng Wika 2023

| August 15, 2023

Ang USC Cebuano Studies Center Sentro ng Wika at Kultura, upang gunitain ang Buwan ng Panitikan sa taong 2023 ay nagsagawa ng tertulyang pampanitikan onlayn na pinamagatang “Mga Tinig ng Pagbabago: Pagsusuri sa mga Interseksyon ng Panitikan, Kapayapaan, at Pagsasaayos ng Hidwaan” noong ika-29 ng Abril, 2023 sa pamamagitan ng Zoom. Tinalakay ng mga tagapagsalita na sina Dr. Federico V. Magdalena (University of Hawaii-Manoa), Dr. Bea Martinez-Lastimosa (University of San Carlos), G. Niño Augustine Loyola (University of San Carlos), at Gng. Cris Evert Lato-Ruffolo (Basadours), ang papel ng panitikan sa pagpapalaganap ng kapayapaan at ang halaga ng mga diyalogo ng pagkakaisa kasama bilang inspirasyon para sa pagbabago ng lipunan.

Ngayong ika-31 ng Agosto 2023, magsasagawa naman ng isang tertulyang pangwika ang Sentro na pinamagatang “Sebwano: Wika ng Kapayapaan” para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Ang layunin ng nasabing tertulya ay talakayin ang mga iba’t ibang konsepto ng kapayapaan at ang ugnayan nito sa wikang Sebwano. Nais nito na lubos pang pagyamanin ang kaalaman sa Sebwano bilang instrumento ng kapayapaan. Apat na dalubhasang tagapanayam ang inimbitahan para magbahagi ng kanilang kaalaman: Dr. Bea Martinez-Lastimosa, Dr. Lita Bacalla, Dr. Desiree Balota at G. Jose Antonio C. Dasig.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnay sa cebuanostudies@gmail.com o tumawag sa (32) 2300100 lok. 308.

 

Commission of Higher Education Memo:

Tags: , , , , ,

Category: Events, Lectures and Seminars, Upcoming Events