Pambansang Kumperensiya sa Wika at Panitikang Sebwano
Itatampok ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at University of San Carlos Cebuano Studies Center ang wika at panitikang Sebwano sa 25-27 Abril 2016 sa Gansewinkel Hall, University of San Carlos, Lungsod Cebu.
Layon ng kumperensiya na matalakay ang mga isyu at pagbabago na kinakaharap ng wika at panitikang Sebwano na mahalagang sandigan sa pagpapaunlad ng wika at panitikang Filipino.
Magkakaroon ng sesyon sa sumusunod na paksa: 1) Kasaysayan ng Panitikang Sebwano; 2) Panitikang Sebwano at ang Pagbuo ng Panitikang Pambansa; 3) Ang Kontemporaneong Panitikang Sebwano; at 4) Ang Wikang Sebwano/sa Gitnang Bisayas sa Panahon ng K-12 at MTB-MLE.
Inaasahan ang pagdalo ng mga kinatawan mulang Rehiyon VII, mga manunulat, punong guro, tagapag-ugnay, guro sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya.
Para sa mga interesado, makipag-ugnayan kay Raphael Dean Polinar sa 0927-3627350 o kay Laurinne Ganados 0925-53044766 / 09234640765 o sa (32) 4066079 at sa email na cebuanostudies@gmail.com.
Makikita at makukuha ang imbitasyon at rehistrasyon sa link: Imbitasyon at rehistrasyon
Category: Events, Past Events